Bakit Patuloy na Lumalabas ang Babala sa Pang-aabuso sa Aking Domain Kahit Naayos Na ang Isyu?
Kung naayos na ang isyu sa iyong domain ngunit patuloy mo pa ring nakikita ang babala o tala ng Pang-aabuso, ito ay karaniwang may kinalaman sa kung paano ipinapakita ang datos ng pang-aabuso sa sistema.
Paano Ipinapakita ang mga Tala ng Pang-aabuso Upang mapabuti ang kalinawan at gawing mas tumpak ang sistema, kamakailan lamang in-optimize ng NiceNIC kung paano ipinapakita ang mga tala ng pang-aabuso: 1. Kung ang isang domain aysinuspinde: mananatiling nakikita ang tala ng pang-aabuso kahit kailan pa man naisumite ang ulat. Ito ay sumasalamin sa kasalukuyang estado ng pagsunod ng domain. 2. Kung ang isang domain ay na-unsuspend: ipapakita lamang ang mga ulat ng pang-aabuso mula sa huling 30 araw, at ang mga lumang naresolbang tala ay hindi na lalabas sa pangunahing tanawin.
FAQ 1. Nakakaapekto ba ang Mga Lumang Tala ng Pang-aabuso sa Aking Domain? Hindi. Ang mga kasaysayan ng tala ng pang-aabuso ay maaaring mananatili pa rin sa loob ng sistema para sa pagsunod at audit na mga layunin. Kapag naayos na ang isyu, hindi na nakakaapekto ang mga tala na ito sa nomal na paggamit ng domain. 2. Ano ang Dapat Kong Gawin?
Kung ang isyu ng pang-aabuso sa iyong domain ay naayos na, kadalasan ay hindi na kailangan ng karagdagang aksyon. Awtomatikong mag-a-update ang babala base sa estado at oas ng domain.
Kung hindi naman, upang mas maintindihan ang partikular na dahilan ng suspensyon, pakisilip ang iyong control panel para sa Buod ng Pang-aabuso. Sundin ang mga hakbang na ito: 1) Aking Account > Aking Mga Produkto > Domain Name 2) I-click ang Abuse (pulang tatsulok na icon sa tabi ng domain) > Abuse Complaint > Complaint Summary Repot 3) Kung hindi pa nalilikha ang summary repot, i-click ang "Generate Summary".
O maaari ring suriin ang abiso ng pang-aabuso mula sa [email protected].Upang masiguro na ang iyong tugon ay maayos na marebisang at tumpak na mairekod sa aming proseso ng paghawak ng pang-aabuso, hinihiling namin na direktang sumagot ka sa abiso na ipinadala mula sa [email protected], kasama ang anumang kaugnay na paglilinaw o supotang impomasyon na nais mong ibigay.