
.NU mga kinakailangan sa pagpaparehistro ng domain
.NU ay ang country code top-level domain (ccTLD) na itinalaga sa islang estado ng Niue.
Sa pangkalahatan, lahat sa mundo ay maaaring magparehistro ng .NU domain. Gayunpaman, Personal ID o Organization ID at VAT ID (para sa mga oganisasyon sa Sweden lamang) bilang pinalawak na mga attribute ang kinakailangan.
Ang mga detalye na kailangan mong isumite ay depende sa uri ng Registrant:
Para sa mga residente ng Sweden:
Indibidwal: Personal Identification Number (halimbawa ng fomat: [SE]123456-1234).
Kumpanya/negosyo: Organization Identification Number (halimbawa ng fomat: [SE]123456-1234) at VAT ID sa patlang na "VAT Number".
Indibidwal: Numero ng ID (hal., Civic registration number, o katumbas nito) sa sumusunod na fomat: [CC]1234567890000. Ang [CC] ay papalitan ng tunay na country code: [PK], [UK], [US] atbp.
Organisasyon: Numero ng pagpaparehistro ng kumpanya (o katumbas nito), ang VAT ID ay opsyonal para sa lahat ng hindi residente sa Sweden.
Ang numero ng pagpaparehistro ng kumpanya ay dapat magsimula sa ISO 3166 Alpha-2 country code sa loob ng mga naka-bracket na panaklong (hal. [US] para sa United States), kasunod ang 1 hanggang 123 mga karakter. Ito ay magiging ganito [US]123456789.
TIP: Maaari mo ring punan ang pinalawak na mga attribute nang mas maaga o pagkatapos ng pagpaparehistro ng domain upang magamit ang mga ito para sa lahat ng iyong mga hinaharap na pagpaparehistro.





