.ECO mga kinakailangan sa pagpaparehistro
Ang .ECO top-level domain (TLD) ay ang perpektong pagpipilian para sa mga website na nakatuon sa mga layuning pangkalikasan. Pinagkakatiwalaan ng mga kilalang pangkat pangkalikasan, mga negosyo, at mga tatak sa buong mundo, ipinapakita ng .ECO ang iyong malasakit sa kapakanan ng ating planeta.
Para sa mga nag-iisip na magparehistro ng .ECO domain, mahalagang maunawaan ang mga kinakailangan sa pag-activate na itinakda ng .ECO Registry. Pagkatapos ng matagumpay na proseso ng pagpaparehistro, ang isang .ECO domain ay unang magkakaroon ng "ServerHold" status. Nangangahulugan ito na pansamantala itong hindi gagana sa mga browser, at anumang konektadong serbisyo ay hindi aktibo.
Gawin ang mga hakbang na ito upang i-activate ang domain name at alisin ang "ServerHold" status:
1. I-activate ang Iyong .ECO Profile (Account)
Kapag nairehistro na ang iyong .ECO domain name, makakatanggap ka ng email mula sa .ECO registry na naglalaman ng mga tagubilin para i-activate ang iyong .ECO profile. Ang email na ito ay magmumula sa [email protected] na may paksa na "Activate [iyong domain].ECO", at hihilingin kang kumpletuhin ang iyong .ECO profile. Mga karagdagang paalala sa email ay ipapadala sa loob ng 1, 3, 7, 14 at 30 araw matapos ang pagpaparehistro ng domain.
Pindutin ang Activate button sa email, pagkatapos ay makakatanggap ka ng email mula sa registry bilang kumpirmasyon na na-activate ang iyong .ECO account.
2. Kumpletuhin ang Profile Infomation sa .ECO account
Kailangang kumpletuhin ang sumusunod na impomasyon sa .ECO profile:
Kapag tinanggap ng registry ang impomasyon, aalisin nila ang "ServerHold" status at ipapaalam sa iyo ang pagbabago sa pamamagitan ng email. Nangangahulugan ito na hata nang gamitin ang iyong domain.
Kung ang isang .ECO domain ay nananatili sa "ServerHold" status nang higit sa 12 buwan mula sa petsa ng pagpaparehistro o pag-activate, dahil sa mga ECO Profile Policy Sanctions o para sa iba pang mga dahilan, maaari itong kanselahin ng registry. Mangyaring tataan na mahalagang sumunod sa .ECO activation requirements upang mapanatili ang status at functionality ng iyong .ECO domain name.